I might get downvoted for this. Pero nanonotice ko, though not all of course, na ang mga student nurses mostly ngayon parang wala nang etiquette during clinicals. I am also a Gen Z so understandable na iba yung approach natin compared sa older generations.
Pero sometimes nashoshock nalang ako kasi may mga SNs na nasa harapan na nila ang senior nurses ni "good morning/afternoon/evening" wala talaga. Ih-head to toe ka pa or parang walang nakita hahaha ako pa nahihiya kasi ba't pa ako dumaan sa tabi 🤣
Tapos yung iba sa OR duties, straight forward ka lang sasabihin na "Sino ka nga pala?" Hahahaha yun pala nag aask sa name mo lang for casebook signing. Tapos kita naman na busy ka pa sa paperworks after procedure atat na atat sisingit na magpapapirma. Hindi naman ako madamot pumirma pero your casebook can wait naman kasi compared sa patient na need na i-document ang case tapos ichecheck pa namin if complete yung pagfill up ng surgeon at anes.
Yung iba first meet niyo pa lang parang barkada agad makipagsalita. I think clinicals is the time to practice professionalism, no? Di yung kulang nalang hampasin mo ko kasi akala mo close tayo.
Tapos pag walang cases, ang iingay pa. May iba na ang tawa aabot pa sa ward yung lakas. 🤦♀️ Sisitahin mo, after a few minutes, maingay na naman.
Worst, nagpipicture sa Procedure Record! Nako talaga ha.
Huwag abusuhin sana yung tolerance ng seniors. If sa acads K yung priority for KSA, ibahin niyo sa real work kasi yung last letter na ang tutulong sainyo to grow.