r/OffMyChestPH • u/ceelee1997 • 20h ago
NO ADVICE WANTED GTA 6
Hello soo GTA 6 came out and I'm watching it over on twitch while working (WFH naman) but I am so sad, inggit, disappointed sa sarili ko. Why?
For context: I'm 29 M earning really good salary 65k after tax, WFH, got all my time, walang responsibilidad, walang anak, walang utang (except car loan na matatapos na) BUT bakit hindi ko mabilhan sarili ko? bakit hindi ko maenjoy yung pera ko?
I remember when GTA San Andreas came out (2004) and soobrang dami kong memories sa laro na yun, bata eh. then fast forward nung GTA 5 on 2013 hindi na ako nakapaglaro due to financial struggles and iniwan kami ng Dad namin. Tumigil pagkabata ko. Literal na wala kaming pera.
I had to work as a student while nasa College pero kulang parin ang pera, kumakain ng double dead na baboy at manok para makatipid, pumapasok sa school ng gusot ang polo at basa dahil walang kuryente para sa plantsa at washing machine, nag 1-123 sa jeep at namamalimos para makakain. BUT now malaki na pera ko, may 6 digits savings, EF and investments at may kotse pero...
Pero bakit ngayon 2026 hindi ko mapaligaya sarili ko? it's not about the game eh.
Bakit ang damot ko sa sarili ko? Ang generous ko pag manlilibre sa jowa ko pero bakit ang higpit higpit ko sa sarili ko? Even my GF says na hahatian nya ako sa pagbili ng PS5 pero umaayaw ako. Though, magkakaroon ng PC version nextyear yung GTA 6 but di ko rin inuupgrade GPU ng PC ko since ayaw ko talaga gumastos. Parang nasasayangan ako sa pera.
Siguro ba dahil naranasan ko ng mawalan? Takot akong mazero ng pera, kumain ng tira tira ulit at mamalimos? Takot gumastos kasi baka mawalan ng work? Bakit ang damot damot ko sa sarili ko?
Sometimes I envy people na hindi responsible sa pera LOL! They buy what they want. I can't even buy myself maayos at branded na damit, puro ukay. Sapilitan pang bilhan ang sarili, and now I watch people having fun sa Twitch. Playing Laughing. Being a kid.
I shed a tear kanina while watching. Lol OA
Inggit ako sa tawa nila, kasi ganun din yung tawa ko nung nag lalaro ako nung GTA San Andreas before. Genuine. But why can't I force myself to buy?
All I know is my inner child is not happy because the adult me is scared, and he is winning.
(Sorry kung magulo. But i hope may katulad din ako dito na nararamdaman.)
Thanks