r/PanganaySupportGroup • u/Kooky-Party-3605 • 22h ago
Venting matatanggal na sa trabaho at wala pang panlibing kay mama.
gusto ko lang maglabas ng bigat kasi sobrang drained na ako at hindi ko na alam kung kanino pa ako lalapit.
this year alone, nawala sa akin ang parehong magulang ko. i lost my dad just a few months ago, and now my mom passed away too. at 18 years old, mag-isa na lang ako sa buhay at ako lahat ang nag-aasikaso para maipalibing si mama. nasa punerarya pa rin ang labi niya hanggang ngayon at kailangan ko pang makabuo ng around 25k pesos para mailibing siya nang maayos, pero wala na akong mahiraman at walang sapat na maitutulong ang mga kamag-anak ko.
sinubukan ko pa ring pumasok sa bpo work ko right after ko malaman na hindi paid ang bereavement leave ko, kasi kailangan ko talaga ng pera. kaso first day pa lang, dumugo na ang ilong ko sa sobrang stress at puyat, nahilo ako, at pinipigilan ko nang mag-breakdown habang may kausap na customer sa call. pinauwi ako at na-hold muna ang door access ko dahil kailangan ko magpasa ng fit to work certificate bago makabalik.
hanggang ngayon hindi pa ako nakakabalik kasi naghahanap pa rin ako ng paraan para makahagilap ng pambayad sa libing ni mama. sinubukan ko na lahat, nag-apply ako sa mga lending apps pero rejected, nag-try ako sa sss/gsis loans at lumapit na rin sa mga government agencies para sa burial assistance pero hanggang ngayon wala pa ring updates at matagal ang proseso. ngayon, nakatanggap na rin ako ng return to work order at notice to explain mula sa hr namin at may 120-hour deadline ako para magpasa ng explanation at ebidensya kung bakit hindi ako nakakapasok.
nag-try na rin akong gumawa ng gogetfunding para kay mama at nag-share sa iba't ibang platforms, pero wala pa ring nagdodonate hanggang ngayon. i'm just hoping to get lucky somehow or maybe get some advice kung ano pang pwedeng gawin sa ganitong sitwasyon. sobrang bigat na ng pakiramdam ko, parang sabay-sabay bumabagsak lahat, at hindi ko na alam kung paano ko pa kakayanin mag-isa.